^

PSN Palaro

Ex-national champions, collegiate runners gumawa ng kasaysayan sa Rexona Run

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang dating national marathon champions at dalawang mahuhusay na collegiate runners ang nagtala ng kanilang mga pangalan bilang kauna-unahang kampeon sa 21-K relay event sa 2012 Rexona Run kahapon na ginawa sa Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Sina Jho-an Banayag at Flordeliza Donos ang nag­sanib-puwersa upang hiyain ang hamon ng ibang ka­lahok sa kababaihan habang sina Rafael Poliquit Jr. at Richard Salano ang nanguna sa kalalakihan laban sa mga Kenyans.

Sina Lovemar Estrella at Michelle Tibagacay ang nagdomina naman sa mixed relay para masama sa mga hanay ng mga unang kampeon ng relay na pinaglabanan sa 21-k distansya.

“Inasahan naming manalo rito dahil magaling naman si Flor. Bago kami tumakbo ay nag-usap kami at sinabi ko na ako na ang mauuna para makarelax kami. Alam ko rin ang bilis niya kaya tiwala ako sa tsansa namin,” wika ni Banayag.

Si Banayag na 2005 at 2006 champion at Donos na 2010 champion, ay naorasan ng 1:25:20 upang isantabi ang hamon nina 4-time national champion Christabel Martes at Jolly Ann Ballester na may 1:28:32 oras. Nasa ikatlo sina Victorina Calma at Dalyn Carmen sa 1:33:19.

Ipinamalas naman ng 23-anyos na si Poliquit at 21-anyos na si Salano ang bangis ng kanilang takbo nang hindi papormahin ang mga Kenyans na sina Sa­mual Tarus at Julius Kipkalam sa kalalakihan.

Naorasan sina Poliquit ng FEU at Salano ng UE ng 1:10:18 at mahigit na isang minuto ang inilayo nila sa mga dayuhan na nakontento sa ikalawang puwesto sa 1:11:23. Pumangatlo sina Raquin Irinio at Michael Villamor sa 1:12:13. Sina Estrella at Tibagacay ay naorasan ng 1:26:20 at nanalo sila laban kina Merlyn Lumagbas-Ryan Maranan (1:33:20) at Magic at Miguel Lazo (1:39:48).

BANAYAG

CHRISTABEL MARTES

DALYN CARMEN

FLORDELIZA DONOS

JOLLY ANN BALLESTER

JULIUS KIPKALAM

MALL OF ASIA GROUNDS

MERLYN LUMAGBAS-RYAN MARANAN

MICHAEL VILLAMOR

SINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with