^

PSN Palaro

Saints vs Scorpions sa NAASCU finals

- The Philippine Star

  MANILA, Philippines - Dahil sa kanilang ima­ku­ladang pagtatapos sa elimination, naipormalisa ng host school St. Clare at Centro Escolar University ang kanilang titular showdown sa12th NAASCU men’s basketball finals.

Ang semifinals ay ginawa kahapon sa Makati Coliseum at hindi na ki­na­­­­ilangan ng Saints at Scor­­pions na sagarin ang hawak na twice-to-beat advantage nang kalusin ang AMA Computer University at STI College.

Gumawa ng 32 puntos si Jeff Viernes para pa­ngunahan ang Saints sa 73-67 panalo sa Titans upang mapangatawanan ang pagiging number one team sa elimination round.

May 13 puntos pa si Jammer Jamito para sa Saints na pinagpahinga na ang Titans na number four sa team standings.

Humugot naman ang Scorpions ng 16 puntos kay Jay Alquisalas at 13 kay Axl Garcia para tulungan ang kanilang koponan sa 54-49 panalo sa Olympians.

Nakitaan ng ibayong husay ang CEU sa huling yugto para makaalagwa matapos magtabla sila ng STI sa 34-all sa pagtatapos ng tatlong yugto.

Ang Game One ng Finals ay gagawin sa Set­yembre 27 sa nasabing venue. Unang magtatagisan ang STI at AMACU para sa third place.

ANG GAME ONE

AXL GARCIA

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COMPUTER UNIVERSITY

JAMMER JAMITO

JAY ALQUISALAS

JEFF VIERNES

MAKATI COLISEUM

SHY

ST. CLARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with