^

PSN Palaro

Batang Pinoy NCR leg dinomina ng Manila, 4 gold kay Caranyagan

- Russell Cadayona - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Apat na gintong me­dalya ang isinulong ni Carlo Caranyagan sa chess event para sa matagumpay na kampanya ng Marikina sa pagtatapos ng Natio­nal Capital region leg ng POC-PSC Batang Pinoy 2012 kahapon sa Marikina Sports Complex.

Dinomina ng 14-anyos na si Caranyagan, isang high school student sa Arellano University, ang individual rapid at standard events at miyembro ng nagharing Marikina rapid at standard teams.

Nakawala sa mga kamay ni Caranyagan ang ginto sa blitz event na pi­nag­wagian ni Melwyn Kenneth Baltazar ng Caloocan, isang high school sophomore ng NCAA juniors champion Letran.

Tatlong gold medals naman ang sinikwat ng 11-anyos na si Jesca Docena ng Pasay City sa girls’ 15-and-under standard, rapid at blitz events.

Si Docena ay kapatid ni Jedara na miyembro ng women’s team na sumabak sa nakaraang World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey.

Sina Caranyagan at Docena ay maglalaro sa Batang Pinoy National Finals sa Iloilo City sa Dis­yembre 5-8.

Makakasama ng da-lawang chess players si trackstar Vincent Nabong ng Manila at sina swimmers Kristen Chloe Daos at Raissa Gavino ng Quezon City.

Si Nabong ay nagtakbo ng limang gintong medalya sa athletics para sa kabuuang 20 gold, 16 silver at 14 bronze medals ng Manila sa ilalim ng Marikina (23-12-12), habang tig-anim naman ang nilangoy nina Daos at Gavino para sa 23-23-13 medal haul ng QC.

Sa national finals ng girls volleyball, tinalo ng Pangasinan ang Rizal, 15-25, 21-25, 25-15, 26-24, 15-10, para sa gold medal, habang binigo ng Makati ang Pasay, 25-10, 25-17, upang kunin ang bronze. 

ARELLANO UNIVERSITY

BATANG PINOY

BATANG PINOY NATIONAL FINALS

CARANYAGAN

CARLO CARANYAGAN

ILOILO CITY

JESCA DOCENA

KRISTEN CHLOE DAOS

MARIKINA SPORTS COMPLEX

MELWYN KENNETH BALTAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with