16 bowlers mag-aagawan ngayon para sa tiket sa Poland tourney
MANILA, Philippines - Ang 16 sa mga nangungunang bowlers sa bansa, sa pamumuno nina dating Asian Games gold medalist RJ Bautista at veteran international campaigner Liza del Rosario, ang maglalaban ngayon sa Bowling World Cup national championship sa SM Bowling North EDSA kung saan nakataya ang tiket sa Poland meet.
Ang mananalo sa men’s at ladies’ division ang kakatawan sa bansa sa 2012 BWC international finals na nakatakda sa Nobyembre 24 hanggang Disyembre 2 sa Sky Bowling Centre sa Wroclaw, Poland.
Nagpagulong si Bautista ng isang 24-game series na 5269 pinfalls para banderahan ang pito pa sa quarterfinals, habang nagtala si Del Rosario ng 4174 pins sa 20 games sa pangunguna sa ladies’ division.
Ang iba pang bowlers na sasabak sa men’s class ay sina J. Em Ang, 5193; Chester King, 5159; Richie Poblete, 5080; Jeff Carabeo, 4999; JP Posadas, 4983; Jay Ar Tan, 4954; and Alex Ngoi, 4932.
Ladies--Krizziah Tabora, 4052; Mades Arles, 4015; Rachelle Leon, 3881; Lara Posadas, 3867; Apple Posadas, 3821; Lovella Catalan, 3798; and Abbie Gan, 3731.
Ang mga quarterfinalists ay magpapagulong sa walong laro para madetermina ang top three finishers base sa kanilang total pinfalls.
Ang top three ay maglalaban sa isang head-to-head, best 2-of-3 matches sa semifinal at final rounds.
Si six-time world champion at four-time World Cup king Paeng Nepomuceno ay hindi lumahok dahil siya ay nasa United States para sa isang advance coaching course.
- Latest
- Trending