Samsung, UAAP inilunsad ang 'assists program'
MANILA, Philippines - Inilunsad ng Samsung Electronics Phils. Corp. (SEPCO) at ng University Athletic Association of the Phils. (UAAP) ang isang proyekto kung saan tutulong ang top electronics firm sa walong member-schools para sa UAAP Assists Program.
Sa ilalim ng kasunduan, ang mga estudyante, alumni, taga-suporta at maski ang ordinaryong UAAP fans ay maaaring sumuporta sa kanilang paaralan.
Mula Agosto 24 hanggang Oktubre 14, ang mga customers na bibili ng ilang piling produkto ng Samsung ay maaaring makakuha ng puntos para sa kanilang UAAP member-school at maaari din itong gamitin para makapag-donate sa kanilang mapipiling grupo.
Matapos mabili ang produkto ng Samsung, kailangan lamang ng mga customers na magparehistro sa Samsung Facebook Page (UAAP Assists Registration Facebook App) o sa pamamagitan ng Samsung 6th Man App (UAAP Assists Tab).
Ang tatlong pangunahing eskuwelahan na makakakuha ng pinakamaraming bilang ng puntos sa pagtatapos ng UAAP season ay maaaring ipalit ito sa pera para ibigay sa gusto nilang charity group.
Ang first placer ay tatanggap ng 100 percent ng total points na ipapalit sa pera, habang ang second at third placer ay mabibigyan ng 70 at 50 porsiyento ng kanilang total points, ayon sa pagkakasunod.
Ang mga UAAP-member schools ay ang Adamson, Ateneo, De La Salle, Far Eastern University, National University, University of the East, University of the Philippines at University of Santo Tomas.
- Latest
- Trending