Bedans sinikwat ang twice-to-beat
MANILA, Philippines - Nagpasok ng tatlong tres si Baser Amer sa huling yugto para pasiklabin ang opensa ng San Beda tungo sa 82-75 panalo sa Arellano University sa 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Tumapos si Amer tangan ang 13 puntos at dalawa lamang sa kanyang naiskor ang hindi ginawa sa ikaapat na yugto upang angkinin na rin ng two-time defending champion Lions ang una sa dalawang twice-to-beat advantage sa semis.
“Binigyan ako ng kumpiyansa ng mga kasama ko at sinabihan nila ako na tumira ako ng tumira. At suwerte naman at pumasok ito,” wika ni Amer na ang ikatlong tres sa yugto ang bumasag sa huling tabla sa 75-all.
Si Jake Pascual ang nanguna sa Lions sa kanyang 16 puntos at 13 rebounds.
Samantala, ibinasura ng NCAA management committee ang protestang idinulog ng Perpetual Help sa 71-74 pagkatalo sa Mapua noong Lunes dahil pawang mga judgement call ang pinagbabasehan ng kanilang protesta.
Bunga nito, mananatili ang disqualifying foul na itinawag laban kay Nigerian 6’7 center Femi Bebayemi kaya’t wala ang player sa sunod na laro ng Altas laban sa Lyceum sa Setyembre 25 sa Subic.
San Beda 82--J. Pascual 16, Amer 13, Dela Rosa 13, Dela Cruz 10, Adeogun 8, K. Pascual 7, Koga 6, Villaruz 4, Ludovice 3, Caram 2, Lim 0.
AU (75) -- Forrester 28, Hernandez 11, Bangga 10, Pinto 8, Acidre 8, Caperal 6, Salcedo 2, Zulueta 2, Lunas 0, Cadavis 0.
Quarterscores: 22-14, 46-39, 57-61, 82-75.
- Latest
- Trending