^

PSN Palaro

Krusyal na panalo pipiliting makuha ng La Salle, UST

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nahaharap sa must-win games ang UST at La Salle sa hangaring pagtibayin ang laban sa Final Four sa 75th UAAP men’s basketball ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Katipan ng Tigers ang UE sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon bago sumunod ang Archers laban sa Adamson dakong alas-4 at kapwa mangangaila­ngan ng panalo ang UST at La Salle para makuha ang mahalagang playoff spot.

Kasalukuyang katabla ng UST sa ikalawang puwesto ang FEU sa 9-4 kar­ta habang ang La Salle at host National University ang magkasalo sa ikaapat na puwesto sa 8-4 baraha.

Samantala, inangkin ng UST ang kampeonato sa men’s taekwondo nang talunin ang UP, 5-2, sa pagtatapos ng torneo noong Miyerkules sa The Arena sa San Juan City.

Kumawala ang Tigers mula sa 2-2 tabla nang magsipanalo sina Dane Pio de Roda, Marae Anthony Deo at Christian Al Dela Cruz at agawin ang titulo sa mga galamay ng Maroons.

Kinailangan lamang ng UP na manalo sa nagdedepensang kampeon para makuha ang kampeonato sa 6-0 sweep pero wala sa kanila ang tadhana nang nabigo para sa 3-way tie sa 5-1 kasama ang La Salle.

Ginamit ang quotient system at ang UST ang siyang may pinakamataas na quotient.

ADAMSON

CHRISTIAN AL DELA CRUZ

DANE PIO

FINAL FOUR

LA SALLE

MALL OF ASIA ARENA

MARAE ANTHONY DEO

NATIONAL UNIVERSITY

PASAY CITY

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with