Gilas 2.0 pupuwesto sa Final Four vs Taiwan
TOKYO--Hindi pa natatalo ang Smart Gilas Pilipinas sa Chinese Taipei sa nakaraang tatlong laro at hangad ng Nationals na maipagpatuloy ang kanilang dominasyon sa 4th FIBA Asia Cup sa Ota Gymnasium.
Kailangang talunin ng Gilas 2.0 ni coach Chot Reyes ang mga Taiwanese sa kanilang pang alas-2 ng hapong laro para maduplika ang kanilang fourth-place finish sa Beirut noong 2010.
Ang panalo ng Gilas 2.0 sa Taipei ang magpapasok sa kanila sa Final Four laban sa mananaig sa pagitan ng Iran at Uzbekistan.
Tinalo ng Nationals ang Taipei, 76-72, patungo sa kanilang paghahari sa nakaraang Jones Cup noong nakaraang buwan.
“They’re difficult to play because they are good shooters and they keep on moving. But I think we can handle them,” sabi ni LA Tenorio, ang bida sa four-point win ng Nationals sa Taiwanese sa Jones Cup.
“We have to stay close with their shooters. Our big advantage is Marcus (Douthit) in the middle,” ani Gabe Norwood.
Sinabi ni Reyes na kailangan nilang maglaro ng maganda laban sa Chinese Taipei.
“I always regard Chinese Taipei as a dangerous opponent much more here where they have the best Chinese Taipei team that I’ve seen. They have their experienced players and their good young talents here,” wika ni Reyes.
Muling ipaparada ng Chinese Taipei sina veteran center Tseng Wen Ting, star forwards Tien Lei at Lin Chih Chieh at guard Lee Hsueh Lin bukod pa kay Taiwanese-American Douglas Creighton.
- Latest
- Trending