^

PSN Palaro

Pacquiao nakapuntos kay Mayweather pinagbabayad ng Nevada judge ng $113M kay Manny

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi sa ibabaw ng bo­xing ring kundi sa korte umiskor ng panalo si Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather, Jr.

Inutusan ni Nevada fe­deral judge Larry R. Hicks si Mayweather na bayaran si Pacquiao ng “$113,518,50 milyon dollars na legal fees” dahil sa kabiguan ng American fighter na gumawa ng salaysay ng dalawang beses noong nakaraang taon.

Sinampahan ni Pacquiao ng defamation case si Mayweather noong 20­­09 dahil sa alegasyon nitong gumagamit ang Filipino world eight-division champion ng performance enhancing drugs (PEDs) sa kanyang mga laban.

Ang panalo ni Pacquiao sa naturang usapin ay mula sa isinumiteng mosyon nina legal counsels David Marroso at Harrison Whitman ng O’Melveny & Myers law firm.

“Mayweather decided that he, not the court, would determine if and when his deposition would take place,” ayon sa mos­yon. “Busy living the ‘luxurious lifestyle non-stop,’ ‘pour[ing] champagne for [his] friends,’ and keeping the company of ‘attractive women,’ Mayweather refused to be deposed. He disobeyed properly served deposition notices, filed specious ‘emergency’ motions, openly defied this court’s order directing him to appear, and serially misrepresented his whereabouts to Pacquiao and this court. Exposing Mayweather’s untruths was a massive--and expensive -- undertaking.”

Sa kanyang dapat na pagbibigay ng salaysay no­ong 2011 sa Las Vegas, Nevada, nakita ang 35-anyos na si Maywea­ther na nagsusunog ng $100 sa isang Atlanta night club.

Ang nasabing $113,­518.50 milyon ni Maywea­ther ay ibabayad para sa serbisyo nina Marroso at Whitman, habang ang $774.10 ay para sa gastos sa korte.

Si Marroso ay binaba­yaran ni Pacquiao ng $695 bawat oras, samantalang si Whitman ay $495 bilang kanyang mga legal counsels. 

DAVID MARROSO

EXPOSING MAYWEATHER

FLOYD MAYWEATHER

HARRISON WHITMAN

LARRY R

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with