Cardinals diniskaril ang Altas
Laro sa Huwebes
(The Arena, San Juan City)
12 nn AU vs SBC (Jrs.)
2 pm Lyceum vs EAC (Jrs.)
4 pm AU vs SBC (Srs.)
6 pm Lyceum vs EAC (Srs.)
MANILA, Philippines - Binigo ng Mapua ang hangarin ng Perpetual Help na makadikit pa sa mga nangungunang koponan nang ikasa ang 74-71 panalo sa 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Si Jonathan Banal ay mayroong 21 puntos at ang kanyang tres sa huling 56.1 segundo ang nagbigay ng 71-66 kalamangan.
Mula rito ay kinailangan ng Cardinals na magpa katatag lalo na sa depensa upang maisantabi ang tangkang pagbangon pa ng Altas.
Apat na puntos ang ginawa ni Earl Thompson at matapos ang free throws ni Josan Nimes ay nalagay sa charity stripes si Jet Vidal ng hindi tumakbo ang oras dahil sa holding foul ni Darrel Magsigay.
Isang free throw lang ang kanyang naipasok ngunit nagkaroon ng lane violation at ang bola ay nanatili sa Altas may 19.2 sa orasan.
Ngunit sa halip na ayusin ang play, sinolo ni Vidal ang opensa at nabigo na lusutan ang depensa ng Cardinals.
Nag-split sa 15-foot line si Gabriel Banal pero ang offensive rebound ay nakuha ni Mike Parala para masungkit ng tropa ni coach Chito Victolero ang ikaanim na panalo sa 15 laro.
“We have a commitment to our schools, our families na maglaro lagi ng todo kahit ano pa ang sitwasyon. Hindi na namin iniisip kung ano ang kalagayan namin. But our goal is to finish the season strong,” wika ni Victolero na kaya pang makahirit ng puwesto sa Final Four ngunit wala na sa kanilang kamay ang desisyon dito.
Nasayang ang 25 puntos ni Vidal dahil bumaba ang Altas sa 9-6 karta para makasalo na ang Letran sa ikatlo at ikaapat na puwesto.
Posible namang mauwi sa kontrobersya ang laro dahil balak umano ng Altas na ilagay sa protesta ang nasabing laban. (ATan)
Mapua 74 – J Banal 21, Nimes 13, Ighalo 10, G. Banal 8, Brana 6, Magsigay 6, Eriobu 5, Saitanan 2, Estrella 2, Abad 1, Parala 0.
Perpetual 71 – Vidal 25, Omorogbe 10, Allen 8, Paulino 7, Elopre 6, Thompson 6, Arboleda 5, Alano 4.
Quarterscores: 24-13, 30-36, 51-48, 74-71
- Latest
- Trending