^

PSN Palaro

9 gold nakataya sa athletics ngayon

- RC - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Siyam na gintong me­dalya sa athletics event ang pag-aagawan nga­yong araw sa pagsisimula ng hostilidad sa National Capital Region leg ng POC-PSC Batang Pinoy 2012 sa Marikina Sports Center.

Sa 5,000-meter run nakataya ang unang gold medal sa sports event para sa mga student-athletes at out-of-school youth na may edad 15-anyos pababa.

Ang iba pang events na sisimulan ay ang badminton (Marikina Sports Hub), bo­xing (Freedom Park), chess (Marikina Convention Center), lawn tennis (Rancho/Toyo), karatedo (Sta. Lucia Mall), table tennis (Marikina Convention Center), swimming (Marikina Sports Center) at volleyball (Marikina Center Covered Gym).

Pinamunuan nina Mari­kina City Mayor Del De Guzman, Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. at Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia at Commissioner Jolly Gomez ang opening ceremony kahapon.

“Aside from discovering talents we are looking at increasing the number of participants,’’ ani Gomez sa 7,000 partisipante na ina­asahan ng PSC .

Ang Northern Luzon leg ng Batang Pinoy ay idaraos sa Pangasinan sa Oktubre 10-13, habang ang Oriental Mindoro ang gagawin sa Southern Luzon leg sa Oktu­bre 24-27.

Ang Mindanao leg ay hahawakan ng Cagayan de Oro sa Nobyembre 7-10 at sa Tacloban City gagawin ang Visayas leg sa Dis­yembre 21-24, habang ang National Finals ay sa Iloilo City sa Disyembre 5-8.

ANG MINDANAO

ANG NORTHERN LUZON

BATANG PINOY

CITY MAYOR DEL DE GUZMAN

COMMISSIONER JOLLY GOMEZ

FREEDOM PARK

ILOILO CITY

LUCIA MALL

MARIKINA CONVENTION CENTER

MARIKINA SPORTS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with