MANILA, Philippines - Magtatagpo ang University of the Philippines at ang Ateneo sa 1st UP-Ateneo inter-collegiate shooting competition sa Setyembre 23 sa PSC-Marines range sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Magpapaligsahan ang mga pinakamahuhusay na pistol at rifle shooters mula sa UP at Ateneo, kabilang ang 12 na nakalipas at kasalukuyang miyembro ng Philippine team, sa 10-meter air pistol at 10-meter air rifle events.
Ang mga national shooters na makikita sa aksyon ay sina Michaela Nicole Padilla, Andrea Faustman, Clarissa Estevez, Dianne and Isabelle Eufemio at Alyanna Chuatoco ng Ateneo at sina Divina Gracia San Juan, Arminda Vallejo-Santiago, Anva Kirsten Nuguid, Johanna Patricia Ruiz, Michael Peter Hernandez at Susan Alemany ng UP.
Sina Roland Maliwanag at Danilo Flores ang tatayong coach ng UP at Ateneo, ayon sa pagkakasunod.
Si Mica Padilla ay anak ni national pistol champion at 16-time Southeast Asian Games performer Nathaniel ‘Tac’ Padilla, chairman ng Philippine National Shooting Association-National Youth Development Program na nag-organisa ng nasabing one-day shootfest.