St. Clare ginulat ng STI

MANILA, Philippines -  Nagwakas ang winning streak ng nagdodominang St. Clare kaya magkakaro­on ng Final Four sa 12th NA­ASCU men’s basketball tour­nament noong Sabado sa C.P. Tinga Memorial Hall sa Taguig City.

Isinalpak ni Cedric Ab­laza ang isang jump shot sa hu­ling 0.2 segundo pa­ra igiya ang STI College sa 71-70 pag­takas sa St. Clare.

Ito ang kauna-una­hang kabiguan ng Saints ma­tapos ku­mamada ng 10 sunod na panalo para ma­kasalo sa unang puwes­to ang Centro Escolar Uni­versity na dinurog naman ang AMA Computer University, 69-52.

Masakit ang pagkatalo sa Saints dahil hawak nila ang 62-54 abante, ngunit isang field goal lamang ang ka­nilang naisalpak.

Show comments