San Mig Coffee Mixers may intact na line-up sa 38th PBA season

MANILA, Philippines -  Kagaya ng iba pang ko­ponan, hangad rin ng San Mig Coffee, dating B-Meg, na makamit ang unang korona sa darating na 38th PBA season na magsisi­mula sa Setyembre 30 sa Smart Araneta Coliseum.

 “Lahat naman ng team na lumalahok sa alinmang torneo ay naghahangad na manalo ng kampeonato. Hindi kami naiiba,” paha­yag ni team manager Alvin Patrimonio.

Ang Llamados, ma­ki­kilala na ngayon bilang Cof­fee Mixers, ang nag­kam­peon sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup na tinampukan ni import Den­zel Bowles.

Sa kabila ng pagiging No. 1 team sa elimination round ng nakaraang Philip­pine at Governor’s Cup, na­bigo pa ring makapasok ang San Mig Coffee sa fi­nals makaraang sibakin ng Powerade at Barangay Gi­nebra, ayon sa pagkaka­sunod.

“That would be a tall or­der for coach Tim Cone,” pa­hayag naman ni PBA Board representative Re­ne Pardo.

Maglalaro ang Coffee Mi­xers ni Cone na may in­tact na line-up.

Nakakuha rin ang Coffee Mixers ng dalawa pang matataas na players sa roo­kie draft.

Ito ay ang 6-foot-7 na si Aldrech Ramos at ang 6’5 na si Jewel Ponferrada.

Show comments