Perpetual asam ang 10th win

MANILA, Philippines -  Tatangkain ng Perpetual Help na dumikit pa sa mga nangungunang koponan second round 88th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katunggali ng Altas ang Mapua sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng mahalagang laro sa pagitan ng Jose Rizal University at St. Benilde sa alas-6 ng gabi.

Nakataya sa pumapangatlong koponan ni coach Aric del Rosario ang ika-10 panalo na maglalapit sa San Beda (12-2) at San Sebastian (11-4) para pahigpitin ang labanan para sa mahalagang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Galing ang Altas sa 89-58 demolisyon sa Arellano University sa huling laban.

Sa 5-9 karta, ang tropa ni coach Chito Vic­tolero ay mangangailangan na walisin ang nalalabing apat na laro para magkaroon pa ng tsansa sa Final Four.

Pigilan ang tatlong sunod na pagkatalo ang nais naman ng Heavy Bombers laban sa talsik ng St. Benilde sa kanilang tipanan.

Show comments