Gilas balik sa porma, giniba ang Lebanon
TOKYO--Isang dominanteng laro ang ipinakita ni 6-foot-11 naturalized Marcus Douthit laban sa mga Lebanese.
Kumolekta ang 31-anyos na si Douthit ng 25 points at 21 rebounds para tulungan ang Smart Gilas Pilipinas 2.0 sa 78-68 paggiba sa reigning champion Lebanon sa preliminary round ng 2012 FIBA-Asia Cup kagabi sa Ota Gymnasium sa Tokyo, Japan.
May 1-1 karta ngayon ang Gilas nagmula sa paghahari sa nakaraang 34th Jones Cup sa Taiwan noong Agosto, sa torneo.
“We needed to bounce back from a tough loss and we felt that we had something to avenge against this team,” ani Gilas coach Chot Reyes.
“I felt that somebody has to step up, and I took the job,” wika naman ni Douthit sa kanyang mahusay na laro laban sa kan- yang dating Providence College teammate.
Bago ito, nagmula ang Nationals sa 68-71 pagyukod sa mas batang China team noong Biyernes kung saan sila lumamang ng walo sa huling anim na minuto sa fourth quarter.
Buhat sa 41-38 bentahe ng Lebanon sa halftime, umiskor ang Gilas 2.0 ng 21 points sa kabuuan third quarter kumpara sa 12 ng una para kunin ang 59-53 lead papasok sa final canto.
Humakot si Douthit ng basket at freethrows sa fourth quarter para iangat ang Gilas 2.0 sa 70-61 sa 3:29 hanggang makalapit ang Lebanon sa 68-72 sa huling 1:09 nito.
Ang mga basket nina Gary David at Jared Dillinger at dalawang freethrows ni LA Tenorio ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Nationals.
SMART GILAS-PILIPINAS 78 – Douthit 25, David 11, Tenorio 11, Norwood 10, Dellinger 10, De Ocampo 8, Fonacier 3,.
LEBANON 68 – El Khatib 24, Thompson 17, Akl 10, Abdelmour 8, El Khatib C. 4, Sarkis 3, Stephan 2, Tabet 0.
Quarterscores: 19-20, 38-41, 59-53, 78-68.
- Latest
- Trending