MANILA, Philippines - Namumuro si Liza del Rosario para pangunahan ang National Ladies World Cup tournament na magsisimula sa Linggo sa Coronado Lanes sa Mandaluyong City.
Tatlong araw gagawin ang kompetisyon na magdedetermina kung sino ang kakatawan sa Pilipinas sa Bowling World Cup sa Sky Bowling Centre sa Wroclaw, Poland mula Nobyembre 24 hanggang Disyembre 2.
Napapaboran si Del Rosario dahil siya ang nanguna sa dalawang araw na qualifying tournament sa kinamadang 2035 pinfalls sa 10 laro.
Umabot sa 52 bowlers ang umusad sa national finals at kasama rito ang magkapatid na sina Apple at Lara Posadas bukod pa kay Krizziah Tabora na pawang mga national players tulad ni Del Rosario.
Samantala, ang men’s national finals ay bubuksan bukas sa Coronado Lanes.
Ang mangungunang 34 male at female bowlers ang aabante sa ikalawang araw na lalaruin naman sa Paeng’s Midtown lanes.
Ang walong mangungunang bowlers bitbit ang lahat ng kanilang scores ang aabante sa finals sa Setyembre 21 sa SM Bowling North Edsa.