^

PSN Palaro

PSC law dapat nang amyendahan - Webb

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dapat nang amyenda­han ang batas na nagta­tag sa Philippine Sports Commission (PSC) upang maitama ang mga mali rito.

Ito ang sinabi ni dating cager, Congressman at Senador Freddie Webb nang nakapanayam matapos maging panauhing pandangal sa isinagawang PBA Press Corps Annual Awards Night sa Kamayan Edsa noong Lunes ng gabi.

“It’s about time,” wika ni Webb sa planong pag-amyenda sa RA 6847 na naipasa noong 1990.

“We made a mistake. Even bills that you crafted, sooner or later, you will find flaws in it,” dagdag nito.

Isa sa pagkakamali sa nasabing batas ay ang kawalan ng termino sa chairman ng PSC dahilan kung bakit napupulitika ito na nagreresulta sa pagbagsak ng palakasan sa bansa.

Ang Malacañang ang nagluluklok ng opisyales ng Komisyon at sa nangyayari, sunud-sunuran lamang ang mga PSC officials sa mga kagustuhan o kahi­lingan ng mga taong nakatulong para maupo sila sa puwesto.

Kaya kailangan ng baguhin ang ilang nakasaad sa batas na ito dahil kung hindi patuloy na babagsak pa ang sports sa Pilipinas.

ANG MALACA

DAPAT

ISA

KAMAYAN EDSA

KAYA

KOMISYON

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PRESS CORPS ANNUAL AWARDS NIGHT

SENADOR FREDDIE WEBB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with