MANILA, Philippines – Balanseng atake uli ang nakita sa namamayagpag na St. Clare tungo sa 100-69 paggapi sa Our Lady of Fatima University sa 12th NAASCU men’s basketball noong Linggo sa C.P. Tinga Gym sa Hagonoy Taguig.
Sina Jeff Viernes, Eugene Torres, Robin Dulalia at Denis Santos ay nagsanib sa 51 puntos upang itulak ang Saints sa kanilang ikasiyam na sunod na panalo na nagbigay din ng tiket para sa Final Four.
Kung sakaling makumpleto ng Saints ang pagwalis sa 12 laro sa eliminasyon, sila ay aabante na sa best of three finals at ang maiiwang apat na koponan ang maglalaban-laban para sa ikalawang puwesto sa finals gamit ang step-ladder semifinals.
Nanalo rin ang Centro Escolar University at STI College sa kanilang mga laro upang makatiyak na rin ng puwesto sa semifinals.
Tinalo ng CEU ang New Era Univesity, 84-48, habang ang Olympians ay nangibabaw sa AMA Computer University, 92-71,
Ang ikaapat at huling puwesto sa semis ay mainitang paglalabanan ng OLFU, AMACU at NEU.
ST. CLARE 100 --Viernes 14, Torres E. 13, Dulalia 13, Santos 11, Gil 8, Lunor 6, Mercado 6, Cruz 6, Diswe 5, Jamito 4, Manguelod 4, Baylen 3, Ambulodto 3, Torres P. 2, Janobas 2.
OLFU 69--Jornacion 16, Banaria 14, Rosales 9, Pineda 8, Datu 6, Villalon 6, Jimenez 4, Ignacio 4, Antalan 2, Valdevilla 0, Ananayo 0.
Quartercores: 27-12, 53-22, 81-38, 100-69.