Abueva inilapit ang Stags sa semis
Laro sa Huwebes
(The Arena, San Juan City)
4 pm AU vs UPHDS (Srs.)
6 pm Lyceum vs JRU (Srs.)
MANILA, Philippines – Pinasiklab uli ni Calvin Abueva ang laro ng San Sebastian upang pabagsakin ang Mapua, 77-62, at mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto sa 88th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 21 puntos, 20 rebounds at 10 assists si Abueva para sa ikalawang sunod na triple-double at ikaapat sa season at siya ang nagpaningas sa pagbangon ng Stags sa ikatlong yugto upang pawiin ang mahinang panimula.
Naghatid ang 6’2 power-forward ng 13 puntos sa nasabing yugto para pangunahan ang 32-18 scoring sa yugto at umabante ang Stags sa 57-50.
“Nagtulungan lamang kami lalo na sa second half. Nabawasan kami ng isang malaki kaya sinabi ko na kaming mga big men ang dapat talagang magtrabaho rito,” wika ni Abueva na naghatid pa ng 3 blocks at 2 steals bukod sa pagkakaroon lamang ng 2 errors sa 36 minutong paglalaro.
Si Ian Sangalang ay nanguna sa Stags sa kanyang 28 puntos at 10 rebounds para ibigay sa Stags ang 11-3 kartada.
Si Josan Nimes ay may 17 puntos pero dalawa lamang ang kanyang ginawa sa second half upang masayang ang mainit na panimula ng Cardinals na hinawakan ang 18-10 at 32-25 kalamangan sa unang dalawang quarters.
Ang jumper ni Nimes ang naglagay pa sa Cardinals sa 50-47 pero naghatid ng pitong puntos si Abueva sa 10-0 run sa pagtatapos ng ikatlong yugto upang angkinin ng Baste ang pitong puntos na kalamangan.
Nalaglag ang Cardinals sa 5-9 baraha. (ATan)
San Sebastian 77- Sangalang 28, Abueva 21, Miranda 9, Pascual 7, Juico 6, Antipuesto 3, Dela Cruz 2, Rebullos 1, Gusi 0, Vitug 0.
Mapua 62- Nimes 17, Parala 14, G. Banal 12, Cantos 6, Brana 4, Ighalo 3, J. Banal 3, Eriobu 3, Saitanan 0, Stevens 0
Quarterscores: 10-18; 25-32; 57-50; 77-72
- Latest
- Trending