MANILA, Philippines - Nakuntento ang wo-men’s dragon boat team sa dalawang bronze medals sa idinaos na 10th Asian Dragon Boat Championships sa Sooyoung River & APEC Naru Park sa Haeundae, Busan, Korea mula noong Setyembre 7 hanggang 9.
Ang delegasyon ay inilahok ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) at sa small boat sa 200m at 500m lamang sila sumali.
Naorasan ang kopo-nan ng 58.79 segundo sa 200m race bago nagtala ng 2:32.10 sa 500m event.
Ang China na powerhouse sa dragon boat dahil sila ang nagpasimula sa larong ito ang nanalo sa mga events na ito sa 57.38 at 2:25.73, habang ang pilak ay hinablot ng Tahiti Nui (French Polynesia) sa 58.40 at 2:27.51 oras.
Sa kababaihan lamang nakasali ang PDBF dahil nagkaroon ng problema sa travel order sa hanay ng mga male paddlers.
Matatandaan na ang PDBF ay inalisan ng pagkilala ng Philippine Olympic Committee matapos ibigay ito sa Philippine Canoe Federation na nakaapekto sa hangaring pagbuo sa men’s team.
Si ADBF vice president at pangulo ng Philippine Rowing Association Benjie Ramos ang naggawad ng medalya. (ATAN)