^

PSN Palaro

2 bronze sa Pinay paddlers

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakuntento ang wo-men’s dragon boat team sa da­lawang bronze medals sa idinaos na 10th Asian Dra­gon Boat Championships sa Sooyoung River & APEC Naru Park sa Haeundae, Busan, Korea mula noong Setyembre 7 hanggang 9.

Ang delegasyon ay inilahok ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) at sa small boat sa 200m at 500m lamang sila sumali.

Naorasan ang kopo-nan ng 58.79 segundo sa 200m race bago nagtala ng 2:32.10 sa 500m event.

Ang China na powerhouse sa dragon boat dahil sila ang nagpasimula sa larong ito ang nanalo sa mga events na ito sa 57.38 at 2:25.73, habang ang pilak ay hinablot ng Tahiti Nui (French Polynesia) sa 58.40 at 2:27.51 oras.

Sa kababaihan lamang nakasali ang PDBF dahil nagkaroon ng problema sa travel order sa hanay ng mga male paddlers.

Matatandaan na ang PDBF ay inalisan ng pagkilala ng Philippine Olympic Committee matapos ibigay ito sa Philippine Canoe Federation na nakaapekto sa hangaring pagbuo sa men’s team.

Si ADBF vice president at pangulo ng Philippine Rowing Association Benjie Ramos ang naggawad ng medalya. (ATAN)

ANG CHINA

BENJIE RAMOS

BOAT CHAMPIONSHIPS

DRAGON BOAT FEDERATION

FRENCH POLYNESIA

NARU PARK

PHILIPPINE CANOE FEDERATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE ROWING ASSOCIATION

SOOYOUNG RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with