Knights, Blazers mag-uunahan sa krusyal na panalo Stags maghihiganti laban sa Cardinals
MANILA, Philippines - Balikan ang isa sa dalawang koponan na tumalo sa kanila sa first round ang nakatatak sa isipan ng San Sebastian sa pagharap ngayon sa Mapua sa pagpapatuloy ng 88th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.
May 10-3 karta sa ngayon ang Stags pero ang isa sa kabiguang kanilang nilasap ay ang 61-54 pangingibabaw ng Cardinals sa unang ikutan.
Ang laro ay magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon at kailangan ng tropa ni interim coach Allan Trinidad na manalo upang manatiling nakadikit sa nangungunang San Beda (11-2).
Sasalang din ang host Letran laban sa St. Benilde sa ikalawang laro dakong alas-6 at kailangang manaig ang Knights upang manatiling nakadikit sa Perpetual at Jose Rizal University na nasa ikatlo at apat na puwesto sa 5-8 baraha.
May 7-6 record ang Knights na inilampaso ang Lyceum, 76-60, sa huling asignatura.
“Ito na ang simula ng totohanang laro para sa amin. Actually itong hu-ling limang laro namin ay talagang mabibigat na at kailangang maipanalo namin para maging palaban sa twice-to-beat sa Final Four,” ani Trinidad na sunod na haharapin ang Letran, Jose Rizal University, Perpetual Help at San Beda na pawang nasa top four ng liga.
May 5-8 karta ang Cardinals ngunit tiyak na gagawin nila ang lahat ng makakaya para manalo laban sa Stags at manatiling palaban sa paghahabol sa puwesto sa semifinals. (AT)
- Latest
- Trending