Djokovic umabante na sa semis vs Ferrer
NEW YORK--Humataw si defending champion Novak Djokovic ng isang 6-2 7-6 6-4 panalo laban kay Juan Martin del Potro para makapasok sa semifinals ng US Open sa Flushing Meadows.
Tinapos ng 2nd seeded na Serb ang kanilang laro ng 6-foot-6 na Argentine sa loob ng 84 minuto.
Naging mahirap ang laro bago nakuha ni Djokovic ang tiebreak, 7-3, laban sa seventh seed na si Del Potro, minsan nang sumampay sa net dahil sa kapaguran.
“Even though it was a straight-sets win, it was much closer than the score indicated. He’s a great player,” wika ng Australian Open champion na si Djokovic, nakaabante sa kanyang pang 10 sunod na grand slam semifinals at hangad ang kanyang ikaanim na major title.
Lumamang si Djokovic sa service line kung saan siya humataw ng 84 porsiyento ng kanyang mga unang serbisyo.
Makakalaban ni Djokovic sa semis si fourth-seeded David Ferrer ng Spain, tinalo si eighth seed Janko Tipsarevic ng Serbia, 6-3 6-7 2-6 6-3 7-6.
“He was too much for me,” sabi ni Del Potro. “I think he’s the favorite to win this tournament. I wish him the best.”
- Latest
- Trending