^

PSN Palaro

Makulimlim na araw sa Phl chessers

- The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Kapwa nakalasap ng kabiguan ang Philippine men’s at women’s teams sa ninth round ng World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey.

Natalo ang mga Pinoy sa bigating China, .5-3.5, samantalang yumukod ang mga Pinay sa 10th seed Romania, 1.5-2.5.

Magkakasunod na nabigo sina Grandmasters Oliver Barbosa, Eugene Torre at Mark Paragua, habang isang draw ang nakuha ni super GM Wesley So mula sa isang 64-move laban kay GM Wang Hao, ang rating na 2726 ay mas mataas kumpara sa 2652 ng Pinoy, sa Fianchetto variation ng King’s Indian Defense sa top board.

Unang natalo si Barbosa sa second board nang igupo ni GM Ding Liren (2695) sa isang mabilisang 26-move miniature ng Soultanbieff Variation ng Slav Defense.

Sumunod si Paragua na tumiklop kay GM Li Chao (2665) sa 43-move ng Exchange Variation ng Gruenfeld.

Isang 50-move naman kay GM Bu Xiangzhi (2670) sa kanilang Queen’s Pawn Fianchetto game sa third board ang nalasap ng 60-anyos na si Torre.

Ang kabiguan ang nag­hulog sa mga Pinoy sa second hanggang eighth place kasama ang walo pang bansa, ang dalawa dito ay ang fourth seed Hungary at seventh pick Azerbaijan, para sa magkakatulad nilang 13 points.

Nakatakdang harapin ng 35th ranked na mga Pinoy ang No. 27 Vietnam, dinomina ang England, 3-1.

Ang Vietnam ay ba­ban­derahan nina GM Le Quang Liem (2693), GM Nguyen Ngoc Truong Song (2639), International Master Nguyen Van Huy (2506) at IM Nguyen Doc Hoa (2505).

vuukle comment

ANG VIETNAM

BU XIANGZHI

DING LIREN

EUGENE TORRE

EXCHANGE VARIATION

GRANDMASTERS OLIVER BARBOSA

INDIAN DEFENSE

INTERNATIONAL MASTER NGUYEN VAN HUY

LE QUANG LIEM

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with