^

PSN Palaro

Reyes-Bustamante pipiliting makalusot sa Last 4 sa pagharap sa Finland

- The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Pagsisikapan pa nina Efren “Bata” Reyes at Fran­cis­co “Django” Bustamante na lumapit pa sa posibleng ikatlong titulo sa pagsalang sa 2012 PartyPoker.net World Cup of Pool quarterfinals ngayong hapon sa Robinson’s Manila.

Katapat nina Reyes at Bustamante na naghari sa torneo noong 2006 at 2009 edisyon, ang malakas na sina Mika Immonen at Petri Makkonen ng Finland sa race to 9, winner’s break format na sisimulan sa ganap na alas-2 ng hapon.

Galing ang Team B ng Pilipinas sa 8-5 panalo kontra kina Fil-Canadian Alex Pagulayan at John Morra habang sina Immonen at Makkonen ay kumabig ng mas matikas na 8-4 tagumpay laban sa dating kampeon na sina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany.

Tiwala naman ang mga pambato ng Pilipinas sa kanilang tsansa sa Finland lalo pa’t mas mahaba ang kanilang paglalabanan.

“Ang kulang lamang sa laro namin ngayon ay ang break. Kung makukuha namin ito sa larong ito ay mas gaganda ang aming tsansa,” wika ni Bustamante.

Sina Reyes at Bustamante na lamang ang sinasandalan ng Pilipinas sa torneong magbibigay ng $60,000 sa mananalo dahil nasibak agad ang Team A at second seeds na sina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza sa kanilang unang laban.

Samantala, ang dating kampeon na China, Chinese-Taipei, US at England ay nasa quarterfinals na rin nang manalo kahapon.

Dinurog nina Li He-wen at Liu Hai-tao sina David Alcaide at Francisco Diaz Pizarro ng Spain, 8-1, upang manatiling buhay ang paghahabol ng China na masundan ang titulong naunang napanalunan noong 2007.

Ang tambalan nina Han En Hsu at Hsin Ting Chen ng ChineseTaipei ay may 8-6 panalo laban kina Naoyuki Oi at Satoshi Kawabata, sina Shane Van Boening at Rodney Morris ng US ay umukit ng 8-4 panalo laban kina Albin Ouschan at Mario He ng Austria habang sina Darren Appleton at Chris Melling ng England ay may 8-2 panalo laban kina Nitiwat Kanjanasri at Kobkit Palajin ng Thailand.

Ang tapatan sa quarterfinals ay USA at China at England at Chinese Taipei. (ATan)

ALBIN OUSCHAN

BUSTAMANTE

CHINESE TAIPEI

CHRIS MELLING

DARREN APPLETON

DAVID ALCAIDE

DENNIS ORCOLLO

FIL-CANADIAN ALEX PAGULAYAN

PILIPINAS

SINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with