Ika-2 Coach of the Year ni Guiao
MANILA, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ay makukuha ni Yeng Guiao ang prestihiyosong Virgilio “Baby” Dalupan Trophy bilang Coach of the Year.
Ito ay matapos niyang igiya ang Rain or Shine sa kauna-unahan nitong PBA title sa nakaraang 2012 PBA Governors Cup.
Igagawad kay Guiao ang Coach of the Year trophy sa Smart/PLDT 19th PBA Press Corps Awards sa Setyembre 10 sa Kamayan-EDSA.
Tinalo ni Guiao para sa tropeo sina coaches Chot Reyes ng Talk ‘N Text at Tim Cone ng B-Meg.
Si Guiao ang naging ikaanim na multi-winner ng Coach of the Year honors matapos sina Reyes, Cone, Perry Ronquillo, Jong Uichico at Ryan Gregorio.
Magsasama naman sa entablado sina Rain or Shine co-owners Raymond Yu at Terry Que bilang co-winners ng Executive of the Year award sa okasyon na nagpaparangal sa mga top performers sa nakaraang PBA season.
Ang Best Defensive Player award ay napunta kay Elasto Painters’ skipper Jireh Ibañes.
Sina Mark Caguioa ng Barangay Ginebra, Larry Fonacier ng Talk ‘N Text at Gary David ng Global Port ang iba pang major awardees sa seremonya na dadaluhan ni dating Sen. Freddie Webb bilang guest of honor at speaker.
Sina Paul Lee, Jayvee Casio, Marcio Lassiter, Dylan Ababou at James Sena ang nahirang sa All-Rookie Team.
- Latest
- Trending