^

PSN Palaro

Letran pinalakas ang laban para sa Final Four

- RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Mula sa mainit nilang opensiba sa first period, hindi na nilingon pa ng Letran College ang Lyceum upang iposte ang 76-60 panalo at palakasin ang kanilang tsansa sa Final Four ng 88th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umiskor si Kevin Alas ng 30 points, ang 10 dito ay kanyang hinugot sa first quarter kung saan iniwan ng Knights ang Pirates, 17-10, patungo sa pagtatala ng isang 18-point advantage, 38-20, sa halftime.

Itinaas ng Letran ang kanilang kartada sa 7-6 sa ilalim ng San Beda College (10-2), San Sebastian College (10-3), Perpetual Help (8-4) at Jose Rizal (8-4) kasunod ang Mapua (5-7), Arellano (4-8), Emilio Aguinaldo College (4-8), St. Benilde (4-9) at Lyceum (2-11).

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Cardinals at ang Chiefs habang isinusulat ito.

Nagdagdag si 6-foot-7 center Raymond Almazan ng season-high 15 points, 9 rebounds at 3 shotblocks, habang may 10 markers si Mark Cruz para sa Knights.

Sa high school division, giniba ng Letran Squires (-3) ang Lyceum Junior Pirates (0-13), 110-29 habang pinayukod naman ng Mapua Red Robins (8-4) ang Arellano Junior Chiefs (5-8), 79-69.

Letran 76- Ke. Alas 30, Almazan 15, Cruz 10, Racal 9, Cortes 5, Lituania 2, Gabriel 2, Gabawan 2, Belorio 1, Luib 0.

Lyceum 60- Zamora 16, Ko 14, Cayabyab 14, Edding 2, Martinez 2, Mallari 2, Laude 2, Guevarra 2, Francisco 2, Azores 2, Ambohot 0, Alanes 0, Pascual 0.

Quarterscores: 17-10; 38-20; 59-36; 76-60.

vuukle comment

ARELLANO JUNIOR CHIEFS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

JOSE RIZAL

KEVIN ALAS

LETRAN

LETRAN COLLEGE

LETRAN SQUIRES

LYCEUM JUNIOR PIRATES

MAPUA RED ROBINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with