^

PSN Palaro

Saints matikas pa rin, Titans ibinaon pa sa hukay

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Anim na manlalaro ng St. Clare ang tumipak ng hindi bababa ng 10 puntos para katampukan ang 100-69 panalo ssa AMA Computer University sa 12th NAASCU men’s basketball second round kahapon sa CP Tinga Gym sa Taguig.

Si Jeff Viernes ay may 24 puntos habang sina Jammer Jamito ay mayroong 14 puntos at 11 rebound para pamunuan ang matinding laro ng host school na umarangkada sa first period, 28-12 bago tuluyang ibinaon ang Titans sa ikatlong yugto nang hawakan ang 72-54 bentahe.

May 13 puntos si Denis Santos, 12 ang kay Philip Torres at sina EugeneTorres at Marte Gil ay may 11 at 10 para sa St. Clare na naisulong ang winning streak sa liga sa 8-0.

Bumagsak ang Titans sa 1-7 at pinangunahan sila ni Jefferson Arceo sa kanyang 19 puntos.

Pinatatag naman ng Centro Escolar University ang kapit sa ikalawang puwesto sa 74-67 panalo sa Our Lady of Fatima University habang nananatili ang STI sa ikatlo sa 78-44 demolisyon sa New Era sa iba pang laro.

May 16 puntos si Jay Alquisalas para sa Scorpions na umangat sa 7-1 baraha habang ang Olympians ay pinangunahan ni Rick Morales sa kanyang 14 puntos para sa 6-2 card.

Anim na koponan na lamang ang umabante sa second round at ang Phoenix at Hunters ay nalaglag sa iisang 3-5 kartada.

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COMPUTER UNIVERSITY

DENIS SANTOS

JAMMER JAMITO

JAY ALQUISALAS

JEFFERSON ARCEO

MARTE GIL

NEW ERA

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

ST. CLARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with