^

PSN Palaro

PPP dapat sa PSC

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - The Philippine Star

Makulimlim na panahon ang mayroon sa Philippine Sports Commission.

Ito ang balita sa atin ng isa nating kaibigan at impormante sa PSC. Simula nang dumating sa bansa ang mga atleta na lumahok sa Olympics sa London ka­makailan ay tila naglalakad na sa bubog ang mga taga-PSC.

Bakit nga naman? Balita natin ay may rigodon na mang­yayari sa PSC. May matatanggal, may aangat at may malilipat.

Hindi pa natin masiguro kung sinu-sino, pero ang sabi ng ating kaibigan ay tila nalalapit na ang paghuhukom sa PSC.

 Nakakatakot naman.

* * *

Isang suhestiyon ito sa ating mga butihing pinuno sa PSC. Naniniwala ako sa Public-Private Partnership ng gobyerno ni PNoy. Malaki ang naitutulong nito na pu­­malaot ang mga proyekto ng gobyerno sa pakiki­pag­tulungan ng pribadong sector.

Patok na proyekto ni PNoy ang PPP. Ipinapa­nga­landakan nga niya ito sa apat na sulok ng bansa. Isa kasi itong paraan upang makatipid ang gobyerno at makuha ang partisipasyon ng pribadong sector sa pag­papaunlad ng bansa.

Lagi kasing sinasabi ng ating gobyerno na wa­lang pondo, walang pera o walang budget. Pero, kung tata­pikin natin ang tulong ng pribadong sector, ang mga pro­yekto ng gobyerno na may katuturan ay magkakaroon naman ng katuparan.

Kung ilalatag natin ito sa sports, ang PPP ay maa­aring makatulong sa pag-pondo sa iba’t ibang sports. Halimbawa, ang boksing ay pwedeng su­por­tahan ng isang ener­gy drink, ang swimming ay sa isang kompan­ya ng multi-vitamins, o ang basketball ay sa isang telecommunication giant.

Kung mapipili ang isang sports, susuporta­han ng kompanya ang atleta at ang pagsasanay nito. Kapalit naman nito ay libreng advertisement, katuparan ng corporate social responsibility (CSR) ng isang kompanya, at kaligayahan sa milyun-milyong Pilipino (kung makakakuha ng gintong medalya sa Olympics).

Imposibleng hindi pan­sinin ng PPP office ang sports. Alam nila na may kabuluhan naman ang proyektong ito. Ang kinakailangan lamang ay makipag-meeting ang pamunuan ng POC sa PPP upang malaman ang maaaring maging terms of reference.

Kinakailangang tanggapin na ng PSC   na hindi nila kayang pondohan na mag-isa ang lahat ng ka­ilangan ng mga atleta.

ALAM

BAKIT

HALIMBAWA

IMPOSIBLENG

IPINAPA

ISA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with