NEW YORK--Umaban-te si Olympic champion Andy Murray sa quarterfinal round ng US Open, habang nakapasok naman si World No. 1 Roger Federer sa kanyang pang 34 sunod na Grand Slam quarterfinal na hindi hinahawakan ang kanyang raketa.
Tinalo ng British third seed na si Murray si Canadian 15th seed Milos Raonic, 6-4, 6-4, 6-2, dito sa Arthur Ashe Stadium.
Ito ang pang-walong Grand Slam quarterfinals ng 25-anyos na Scotsman, makikipaglaban para sa semifinal berth kay Croatian 12th seed Marin Cilic na bumigo kay Slovakian Martin Klizan, 7-5, 6-4, 6-0.
Hawak ni Murray ang 6-1 record laban kay Cilic.
Nanalo naman ang top seed na si Federer, hangad ang kanyang pang 18 Grand Slam title at record na pang-anim na US Open crown, nang umatras sa laro si American Mardy Fish.
Si Federer ay nakako-lekta ng 38 career quarterfinals sa kanyang Grand Slam appearances at tatlo na lamang ang agwat sa Open-era record na 41 ni American Jimmy Connors.
Makakalaban sa quarters ng 31-anyos na Swiss star si Czech sixth seed Tomas Berdych, sinibak si Spanish 11th seed Nicolas Almagro, 7-6 (7/4), 6-4, 6-1.