Smart Gilas 2.0, David pararangalan ng PBAPC
MANILA, Philippines - Pararangalan ng Philippine Basketball Association Press Corps ang Smart Gilas-Pilipinas 2.0 na naghari sa nakaraang 34th William Jones Cup sa Taipei.
Sa pamumuno nina tournament MVP LA Tenorio at head coach Chot Reyes, nagtala ang Gilas 2.0 ng 7-1 record, kasama ang 76-75 pagtakas sa United States, para angkinin ang Jones Cup sa ikaapat na pagkakataon.
Makakasama ng mga team members sa entablado ang mga major awardees ng PBA Press Corps para sa 2011-2012 PBA Season, kasama si Gary David na tatanggap ng unang ‘Scoring Champ’ award.
Ang Smart/PLDT ang magiging main presentor ng event na nakatakda sa Setyembre 10 sa Kamayan-EDSA sa alas-7 ng gabi.
Inimbitahan rin sa okasyon si Antipolo Representative Robbie Puno, ang sponsor ng House Bill na humirang kay Marcus Douthit bilang isang naturalized Filipino, bilang guest of honor.
Ang iba pang sumusuporta sa event ay ang Air21, Petron Blaze, B-Meg, Barangay Ginebra, AKTV, Cinnabon, Meralco, Talk ‘N Text, Alaska, Rain or Shine, Barako Bull, Global Port, ang management firms nina Danny Espiritu, Charlie Dy at Matthew Manotoc-Marvin Espiritu at ang PBA.
Ang Coach of the Year at Executive of the Year awards ay ibibigay kasama ng Mr. Quality Minutes, the All-Rookie Team, the Defensive Player of the Year at Comeback Player of the Year citations.
Iniimbitahan ni PBAPC president Musong R. Castillo ng Philippine Daily Inquirer ang lahat ng mga miyembro at mga nakaraang presidente ng PBAPC at mga PBA personalities na dumalo sa awards night.
- Latest
- Trending