^

PSN Palaro

Reyes, Bustamante babandera sa Pinas

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Pangungunahan nina pool legends Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante ang kampanya ng Pilipinas para sa bigating 2012 PartyPoker.net World Cup of Pool na magsisimula ngayon at matatapos sa Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

“Siyempre, hindi tayo magpapatalo ng basta-basta kasi dito sa bansa natin gaganapin ang tournament,” sabi ni Reyes, nakatuwang ang kumpareng si Bustamante sa paghahari sa naturang torneo ng dalawang beses.

“Hindi natin masasabi ang tsansa namin kasi ma­gagaling talaga ang mga naglalaro dito sa World Cup,” wika naman ni Bustamante sa torneong naglalatag ng premyong $60,000 para sa mananalong tambalan.

Maglalaro naman si Alex Pagulayan, kumatawan sa Pilipinas sa Southeast Asian Games, para sa Canada kapareha si John Morra.

Sina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany ang magdedepensa ng korona ngayong taon.

Kaagad na makakatapat nina Reyes at Bustamante para sa Philippine B sina Bobby Lee Chen Man at Kenny Kwok ng Hong Kong sa ganap na alas-6 ng gabi habang lalabanan nina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza ng Philippine A sina Dimitri Jungo at Ronni Regli ng Switzer­land bukas ng alas-6 ng gabi.

Nakapareha ni Orcollo si Robert Gomez sa kanilang kabiguan sa finals noong 2010 at nabigong makalampas sa quarterfinal round noong nakaraang taon katambal si Ronnie Alcano.

Ibinabandera ng England sina World 9 Ball champion at World No. 1 Darren Appleton at Chris Melling na haharap kina Serge Das at Cliff Castlemain ng Belgium ngayong alas-12 ng tanghali.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

BOBBY LEE CHEN MAN

BUSTAMANTE

CHRIS MELLING

CLIFF CASTLEMAIN

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

DIMITRI JUNGO

HONG KONG

JOHN MORRA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with