^

PSN Palaro

Somodio bagong strength and conditioning coach ni Viloria sa nalalapit na laban kay Marquez

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Matapos si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao, si world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria naman ang pagsisilbihan ni Filipino strength and conditioning coach Marvin Somodio.

Makakasama ni Somodio sa corner ni Viloria si Ruben Gomez.

Si Somodio, ang local trainer sa Shape-Up Gym sa Baguio City kung saan nagsasanay si Pacquiao, ang pumalit sa puwesto ni Alex Ariza nang iwanan nito ang paghahanda ni Pacquiao sa kanyang laban kay Timothy Bradley, Jr.

Tinulungan ni trainer Freddie Roach si Somodio na makakuha ng U.S. visa para makapagtrabaho siya sa Wild Card Boxing Gym sa Los Angeles, California.

Katulong si Somodio, pinaghahandaan ni Viloria, ang WBO flyweight titlist, ang kanilang unification fight ni WBA Mexican Hernan ‘Tyson’ Marquez.

Magtatagpo sina Viloria at Marquez sa Setyembre 29 sa Home Depot Center sa Carson, California.

Pinabagsak na ni unified world super bantamweight king Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. si Marquez sa eight round noong Hulyo 20, 2010.

Binigo ni Viloria si Mexican Omar Nino Romero via ninth-round technical knockout (TKO) sa kanilang pangatlong paghaharap noong Mayo 13 sa Yñares Sports Arena sa Pasig City, habang binigo ni Marquez si Filipino Richie Mepranum noong Marso 24 via unanimous decision sa kanilang rematch sa isang 10-round, non-title fight sa Sonora, Mexico.

ALEX ARIZA

BAGUIO CITY

FILIPINO FLASH

FILIPINO RICHIE MEPRANUM

FREDDIE ROACH

HAWAIIAN PUNCH

HOME DEPOT CENTER

LOS ANGELES

MARQUEZ

SOMODIO

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with