Sharapova papalo sa q'finals
NEW YORK--Ipinagpag ni Maria Sharapova ang kanilang sagutan ni Nadia Petrova dahil sa larong itinigil pansamantala bunga ng pag-ulan at kinuha ang 6-1 4-6 6-4 panalo patungo sa quarterfinals ng US Open.
Makakaharap ni Sharapova sa quarterfinals si Frenchwoman Marion Bartoli.
Nakuha ni Petrova ang 2-0 lamang sa third set nang biglang umulan at itigil ang naturang laro sa loob ng isang oras at 13 minuto.
Nakipag-usap si Sharapova sa kanyang amang si Yuri sa telepono at sinunod ang kanyang payo na maglaro ng may enerhiya at agresyon.
Sinabi ni Petrova na suwerte si Sharapova dahil makakabawi siya ng lakas.
“You should ask her what happened,” ani Petrova.
Hindi naman pinansin ni Sharapova ang patutsada ni Petrova.
“Great,” ani Sharapova. “I’m the winner so whatever she wants to call it is fine with me.”
Tinapos ni Sharapova ang naturang laro sa loob ng dalawang oras at 14-minuto.
- Latest
- Trending