^

PSN Palaro

Matindi ang Cortez-Tenorio tandem

FREETHROWS - AC Zaldivar - The Philippine Star

Marami akong pilyong kaibigan na nagsasabing parang “ironic’ na maglalaro si LA Tenorio sa ilalim ng pamamatnubay ni Barangay Ginebra coach Bethune “Siot” Tanquingcen.

Ito’y base sa pangyayaring dati na silang nagka­sama sa San Miguel Beer (ngayon ay Petron Blaze) subalit hindi nagtagal ang partnership na ito.

Magugunita kasing ginawa ng San Miguel ang la­hat upang makuha sa first round si Tenorio noong 2006. Matagal nilang pinangarap na makapaglaro sa kanila ang point guard na nagbuhat sa Ateneo upang ito ang siyang maging chief back-up ng isa pang da­ting Atenista na si Rodericko Racela. Kumbaga’y kay Tenorio maipapasa ang renda ng San Miguel sakaling magretiro si Racela.

Natupad naman ang pangarap na iyon.

Ang siste’y matapos ang isang conferences ay hiniling ni Tanquingcen, na noo’y head coach ng SMB, na i-trade si Tenorio at kunin sa halip ang beteranong si Mike Cortez buhat sa Alaska Milk.

Dahil sa ang coach ang siyang humiling ng trade, pinagbigyan naman si Tanquingcen. So, napunta sa Alas­ka Milk si Tenorio. Pabor iyon sa Aces dahil sa mas healthy si Tenorio kaysa kay Cortez na galing sa knee injury.

Hayun, sa pagtitimon ni Tenorio ay namayagpag ang Aces at nagwagi ng ilang kampeonato.

Fast forward.

Si Tanquingcen ay nalipat sa Barangay Ginebra noong nakaraang season at naitalaga bilang head coach ng Gin Kings. Kumbaga’y parang rebuilding stage iyon ng pinakapopular na ballclub sa bansa. Bagamat hindi nakarating sa Finals ang Barangay Ginebra sa tatlong conferences ay maganda rin namang maituturing ang naging performance nito. Katunayan, sa ganda ng performance ng Barangay Ginebra, si Mark Caguioa ang siyang nahirang na Most Valuable Player ng nakaraang season.

Kaunting pagbabago na lang ang kailangan ng Gin Kings upang matapos ang rebuilding at maging title contenders.

Ipinamigay nila sina Niño Canaleta at John Wilson sa Air21 kapalit ni Elmer Espiritu. Kinuha ang mga Fil-Americans na sina Chris Ellis at Keith Jensen sa Draft. At pagkatapos ay ipinamigay si Enrico Villanueva sa Barako Bull para makuha si Tenorio buhat sa Alaska Milk sa isang four-team trade.

Wala na marahil na earth-shaking trades na lalahukan ang Gin Kings dahil sa matindi na ang kanilang line-up. Ang tanong diyan ay kung paano gagamitin ni Tanquingcen si Tenorio.

Sa pagkuha ng Barangay Ginebra kay Tenorio, ito ba ay kagustuhan ni Tanquingcen? O ng management.

O bilib na siguro si Tanquingcen kay Tenorio nga­yon. Hindi tulad noong una silang magkasama sa San Miguel Beer.

Ang maganda nito’y magkasama pa sina Tenorio at Cortez sa iisang bubong. Kumbaga’y ang dalawang ito ang siyang magpapalitan sa point guard positions para sa Ginebra. Napakatatag ng kanilang backcourt.

At paminsan-minsan na lang siguro magagamit si Jayjay Helterbrand kung ito’y kabilang pa sa line-up ng Gin Kings. Kumbaga’y parang spritual leader na lang ang role ni Helterbrand sa team.

Tingnan natin kung magbubunyi na ang Barangay sa season na darating.

ALASKA MILK

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

GIN KINGS

KUMBAGA

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

TANQUINGCEN

TENORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with