8th place finish sa 37th season, hihigitan ng Barako Bull
MANILA, Philippines – Mula sa kanilang pagtatapos bilang pang walo sa kabuuan ng nakaraang 37th season, hangad ng Barako Bull na mapaganda ang kanilang kampanya sa darating na 38th season.
Ito ay sa kabila na rin ng pagdadala ng Energy kay two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller sa Global Port Batang Pier sa isang five-team trade kamakailan.
“Our initial goal in the coming Philippine Cup is to make the semis,” sabi ni Barako Bull head coach Junel Baculi.
Sa pagpapakawala kay Miller, nakuha ng Energy si 6-foot-6 Rico Villanueva mula sa Ginebra Gin Kings.
Sa tatlong torneo sa nakaraang 37th season ng PBA, nagposte ang Energy ng kabuuang 18-42 win-loss record.
Inamin ni Baculi na mahihirapan silang makahanap ng isang kagaya ni Miller, naglista ng mga averages na 14.9 points, 4.5 rebounds, 4.3 assists at 1.0 steals sa nakaraang season.
Bukod kay Villanueva, kinuha rin ng Barako Bull si Roger Yap sa free agency market.
Ang mga rookies naman ng Energy ay sina 6’5 Dave Marcelo ng San Beda, Lester Alvarez ng Adamson at Eman Monfort ng Ateneo.
Sila ay makakasama nina Mick Pennisi, Danny Seigle, Doug Kramer at Celino Cruz.
- Latest
- Trending