Federer vs Fish sa Last 16 sa US Open
NEW YORK--Nalampasan ni five-time champion Roger Federer ang matin-ding init matapos talunin si Spanish 25th seed Fernando Verdasco, 6-3, 6-4, 6-4, patungo sa Last 16 ng US Open para sa pang 12 sunod na pagkakataon.
Makakatapat ng Swiss sa Last 16 si American 23rd seed Mardy Fish, binigo si French No. 16th seed Gilles Simon, 6-1, 5-7, 7-6 (7/5), 6-3.
Ito ang pang limang panalo ni Federer laban kay Verdasco.
“I was never really in big trouble on my service games,” sabi ni Federer. “The heat and wind weren’t really a problem, but Fernando keeps you guessing, he’s a great shot-maker.”
Umiskor naman si third-seeded Andy Murray, ang 2008 US Open runner-up kay Federer, ng isang 7-6 (7/5), 7-6 (7/5), 4-6, 7-6 (7/4) panalo laban kay 30th-seeded Spanish left-hander Feliciano Lopez.
Haharapin ng Olympic champion na si Murray si 15th-seeded Milos Raonic, sinibak si American wildcard James Blake, 6-3, 6-0, 7-6 (7/3).
Ito ang pang 250th career match victory sa hard courts ni Murray at pang pito kontra kay Lopez.
Binigo naman ni ele-venth seed Nicolas Almagro si American wildcard Jack Sock, 7-6 (7/3), 6-7 (4/7), 7-6 (7/2), 6-1.
- Latest
- Trending