^

PSN Palaro

Isa pang ginto naisagwan ng Pinoy Paddlers sa World Championships

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Dinomina pa ng men’s 10-man rowers ang 2000m race para sa ikatlong ginto ng Pilipinas sa International Canoe Federation (ICF) World Dragon Boat Championships noong Sabado sa Idroscalo club sa Milan, Italy.

Umabot sa 10 bansa ang nagpatala sa karerang ito at ang national rowers ang siyang lumabas na pina­kamabilis sa ginawang siyam na minuto 35.488 segundong tiyempo.

Tinalo ng Pilipinas ang Sweden na may 9:41.814 at Germany sa bilis na 9:43.054, upang makontento na lamang sa pilak at bronze medals.

Inaasahang madadag­dagan pa ang gintong me­dalya ng koponang isinali ng Philippine Canoe Fede­ration (PCF) dahil mas pa­borito ang mga ilalabang koponan sa 200m distansya sa pagtatapos ng torneo sa Linggo ng gabi.

Bago ito ay nangi­ba­­­baw ang Pilipinas sa 10-man men’s at mixed events sa 500m distance. May pilak din ang 20-man mixed team sa nasabi ring distansya na pinaglabanan noong Biyernes.

Pinagtibay naman men’s 10-man team ang paghahabol pa ng ginto sa 200m distansya nang pangunahan ang heat 2 sa 42.563 segundo.

Ang oras na ito ang pina­kamabilis sa dalawang heat na isinagawa upang malagay uli na paborito ang koponan sa ginto sa dis­tansya.

Sasali rin ang Pilipinas sa 20-man at 10-man mixed events sa 200m distance.

BIYERNES

DINOMINA

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIPS

IDROSCALO

INAASAHANG

INTERNATIONAL CANOE FEDERATION

LINGGO

PHILIPPINE CANOE FEDE

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with