MANILA, Philippines – Mula sa kanilang nakamit na 10 gintong medalya sa Mind Festival at 5th Thailand Intern tional Open Memory Championships sa Bangkok, Thailand, at medalyang pilak sa World Memory “Olympic” Championships sa Guangzhou, China, patuloy na nagiging inspirasyon ang Philippine Memory team para sa mga atletang Pilipino upang ibigay ang lahat ng makakaya at magbigay-karangalan sa bansa.
Pinangalanang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO)-Mandalu-yong-Bagong Henerasyon (BH) Philippine Memory Team, ang grupo ay dadalo sa pagbubukas ng Philippine State College of Aeronautics (PHILSCA) Intercolor games sa Setyembre 5.
“Malaking inspirasyon sa mga atleta at estud-yante ng PHILSCA ang pagdating ng miyembro ng Philippine Memory team na nagbigay ng karangalan sa ating bansa,” ani Gigi Abalos-Manaog, ang orga-nizing chief ng PHILSCA Games.
Magbubukas sa Setyembre 5 ang tatlong araw na PHILSCA Intercolor games sa Villamor Air Base sa Pasay City na may temang “Building a legacy in aero space”.
Pangungunahan ito ng pangulo ng PHILSCA na si Dr. Bernard R. Ramirez kasama sina Dr. Gemma Capacia, G. Ricardo Santiago, G. Zoilo Manalo, Gigi Abalos-Manaog at Engr. Carmelita Arbozo at ang unang Filipino Grandmaster of Memory na si Mark Anthony Castañeda ng RTU.
Ang mga events na nakahanay ay ang basketball, volleyball, badminton, arnis, sepak takraw, taekwondo, chess, table tennis, cheerdance, dodgeball, tug of war, shower ball, patintero, at iba pa.
Lalaban naman ang Philippine Memory Team sa 21st World “Olympic” Memory Championships sa Disyembre 14, 15 at 16 sa London, United Kingdom.