Laro Bukas
(Ninoy Aquino Stadium)
2 pm Army vs Cagayan
4 pm Navy vs Ateneo
6 pm FEU vs Sandugo-SSC
MANILA, Philippines – Naglaro ng nasa porma ang Cagayan Valley-Perpetual Help upang padapain sa tatlong sunod na sets ang Philippine Navy, 25-17, 25-17, 25-19, sa pagpapatulooy ng Shakey’s V-League Open kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Si Joy Cases ay mayroong 10 kills , apat na aces at dalawang blocks tungo sa 16 hits upang pangunahan ang panalo ng Rising Suns na kinuha ang ikalimang tagumpay sa pitong laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.
May 14 puntos si Sandra delos Santos habang 11 pa ang ibinigay ni Honey Tubino para sa nanalong koponan na nasilo na ang ikatlong puwesto sa semifinals sa ligang inorganisa ng Accel at Mikasa.
Bumagsak ang Navy Ladies sa ikaanim na kabiguan laban sa isang panalo at lalo silang nalalagay sa peligro kung paghahabol sa semis ang pag-uusapan.
Tatlong laro pa ang haharapin ng Navy at kailangan nilang maipanalo ito at manalangin na ang Ateneo ay matalo sa dalawa sa huling tatlong laro.
Pinatatag ng Lady Eagles ang paghawak sa mahalagang ikaapat na puwesto nang bumangon mula sa 0-2 pagkakalubog tungo sa 22-25, 15-25, 25-21, 26-24, 18-16, panalo sa Far Eastern University sa ikalawang laro.
May 25 hits si Alyssa Valdez pero ipinagdiwang ng Ateneo ang pagbabalik nina Fille Cainglet at Dzi Gervacio upang manatiling matibay ang paghahabol ng first conference champion sa Final Four.