^

PSN Palaro

Cardinals binuhay ang tsansa sa Final Four

- The Philippine Star

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

12 p.m. SSC vs St. Benilde (Jrs.)

2 p.m.- JRU vs SBC (Jrs.)

4 p.m.- SSC vs St. Benilde (Srs.)

6 p.m.- JRU vs SBC (Srs.)

MANILA, Philippines - Pinatahimik ng Mapua si Cameroonian ‘double-double machine’ Noube Happi matapos gibain ang Emilio Aguinaldo, 80-55, para buhayin ang kanilang tsansa sa Final Four sa 88th NCAA basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umiskor si rookie Mark Brana ng 15 points, habang nagdagdag ng 12 at tig-10 markers sina Kenneth Ighalo, Mike Parala at Gab Banal, ayon sa pagkakasunod, para sa 5-7 record ng Cardinals.

Nag-ambag naman si Josan Nimes ng 9 points, 9 rebounds at 7 assists.

Nilimita ng depensa ng Cardinals ang 6-foot-7 na si Happi mula sa itinala nitong 7 points galing sa malamya niyang 3-of-19 fieldgoal shooting at 8 boards sa panig ng Generals (4-8).

Nagpoposte si Happi ng mga averages na 18 points at 14 caroms.

Kinuha ng Mapua ang 18-9 kalamangan sa first quarter bago iniwanan ang EAC sa halftime, 43-22.

Pinangunahan ni so­phomore Remy Morada, dating miyembro ng Energen Pilipinas, ang Generals mula sa kanyang 16 points.

Tinapos ng Mapua ang three-game winning streak ng EAC. (RCadayona)

Mapua 80- Brana 16, Ighalo 12, Parala 10, G. Banal 10, Nimes 9, J. Banal 6, Eriobu 6, Saitanan 6, Cantos 2, Chien 2, Magsigay 2, Abad 0.

EAC 55- Morada 16, King 11, Happi 9, Paguia 5, Yaya 4, Munsayac 4, Monteclaro 3, Pillas 2, Jamon 1, Tayongtong 0, Chiong 0,.

Quarterscores: 18-9; 43-22; 59-32; 80-55.

vuukle comment

EMILIO AGUINALDO

ENERGEN PILIPINAS

FINAL FOUR

GAB BANAL

HAPPI

JOSAN NIMES

KENNETH IGHALO

MAPUA

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with