Lions muling masusukat sa Knights

MANILA, Philippines - Inaasahang makikilatis ang lakas ng San Beda sa pagharap sa inspiradong Letran sa pagpapatuloy ng 88th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda dakong alas-6 ng gabi at m­apapanood matapos ang salpukan ng Emilio Aguinaldo College at Mapua sa ganap na alas-4 ng hapon.

Parehong may 4-7 karta ang Generals at Cardi­nals kaya’t ang mananalo ay mananatiling palaban sa semifinals.

Tinalo ng Cardinals ang Generals sa unang pagtutuos, 67-63, ngunit may tatlong dikit na panalo ang tropa ni coach Gerry Esplana na magtitiyak na nasa kondisyon na ang mga alipores para sa hu­ling tulak patungo sa semis.

Hiniya ng Lions ang Knights sa unang laba­nan, 65-43, ngunit tiyak na dadaan sila sa butas ng karayom para makuha ang panalo at pagtibayin ang pangunguna sa liga.

May 9-2 karta ang tropa ni coach Ronnie Magsanoc na nilakipan ng tatlong dikit na panalo at manganga­ilangan sila ng panalo para makalayo pa sa mga nakadikit na San Sebastian (9-3) at Jose Rizal University (8-3).

Show comments