^

PSN Palaro

Diretsong 3 sa Cagayan

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Iniakyat ng Cagayan Valley ang pagpapanalo sa tatlong sunod nang kalusin ang Far Eastern U, 25-18, 25-10, 25-15, sa Shakey V-League Open kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

May 13 hits kasama ang 8 kills si Sandra delos Santos para pangunahan ang Rising Suns sa pagsungkit ng ikaapat na panalo matapos ang anim na laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Hindi naman pinaporma ng nagdedepensang Philippine Army ang Navy sa kinamadang 25-20, 25-11, 25-23, panalo sa ikalawang laro.

Ang magkapatid na sina Marietta at Michelle Carolino at Rachel Ann Daquis ang nagtulong-tu­long para ibigay sa Army Troopers ang ikalimang pa­nalo sa anim na laro at nagpadikit pa sa nangungu­nang Sandugo-SSC sa torneong may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

May 5-0 karta ang Lady Stags na kasalukuyang nakikipaglaban sa Ateneo habang sinusulat ang balitang ito.

Sina Joy Cases at Ho­ney Tubino ay tumapos taglay ang tig-9 na puntos upang punuan ang puwesto ng mga Thai imports na sina Kunbang Pornpimol at Sutadta Chuewulim na may pinagsamang 9 puntos dahil hindi masyadong pinaglaro ng Cagayan.

vuukle comment

ARMY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY

FAR EASTERN U

KUNBANG PORNPIMOL

LADY STAGS

MICHELLE CAROLINO

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE ARMY

RACHEL ANN DAQUIS

RISING SUNS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with