^

PSN Palaro

Phl team binokya ang Kazakhstan; lalong tumibay sa pakikisalo sa itaas

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inilampaso ng Philippine team ang Kazakhstan, 4-0, upang makasalo ang mga bigating bansang kagaya ng Russia, Ukraine at USA sa itaas sa third round ng World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey.

Sumulong ng mga panalo sina Grandmasters Wesley So, Oliver Barbosa at Mark Paragua at International Master Oliver Dimakiling para ibigay sa Phl team, No. 35 seed sa torneo, ang 6.0 points.

Makakaharap nila sa fourth round ang No. 3 seed Armenia, umiskor ng 2.5-1.5 tagumpay laban sa Spain.

Ginamit ni So ang Gruen­feld Defense para iposte ang isang 63-move victory laban kay GM Rinat Ju­mabayev, habang tinalo naman ni Barbosa sa pamamagitan ng isang 61-move win sa kanilang Queen’s Indian duel si GM Anuar Ismagambetov.

Nagtala si Paragua ng mabilis na 28-move win kontra kay GM Petr Kostenko sa isang Caro-kann encounter, habang isinakripis­yo naman ni Dimakiling ang kanyang queen kapalit ng dalawang bishops para gibain si IM Kirill Kuderinov sa 38 moves ng Queen’s Pawn opening.

Bumawi naman ang mga Pinay mula sa ka­ni­lang 1.5-2.5 pagkatalo sa Slovenia sa second round matapos biguin ang Turkmenistan, 3-1, para sa kanilang 4.0 points.

Umiskor ng panalo sina WIM Catherine Perena, Janelle Mae Frayna at Jan Jodilyn Fronda, tanging si Jedara Docena ang natalo.

ANUAR ISMAGAMBETOV

CATHERINE PERENA

GRANDMASTERS WESLEY SO

INTERNATIONAL MASTER OLIVER DIMAKILING

JAN JODILYN FRONDA

JANELLE MAE FRAYNA

JEDARA DOCENA

KIRILL KUDERINOV

MARK PARAGUA

OLIVER BARBOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with