^

PSN Palaro

Ateneo itataya ang katatagan vs La Salle

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagtutuos, inaasahang mas magiging mahigpitan ang tagisan ng Ateneo at La Salle sa 75th UAAP men’s basketball nga­yon sa Smart Araneta Coliseum.

Pakay ng Eagles na maulit ang 61-51 dominas­yon sa Archers sa unang pagkikita para palawigin ang pinakamahabang winning streak sa season na sa kasalukuyan ay nasa pi­tong sunod.

May 8-1 baraha ang tropa ni coach Norman Black at kung mananalo pa ay lalapit pa sa pangarap na twice-to-beat incentive na mapupunta sa unang da­lawang koponan.

Ibayong laro naman ang nakikita sa Archers na papasok sa sagupaan taglay ang apat na dikit na panalo.

Kasama sa pina­bagsak ng tropa ni coach Gee Abanilla ay ang host National University at University of Santo Tomas na parehong palaban para sa puwesto sa semifinals.

Hindi pa tiyak kung maglalaro na si LA Revil­la pero kung patuloy na ki­kinang ang laro nina roo­kie Jeron Teng, Almond Vosotros at rookie pang si Thomas Torres at ang solidong laro sa ilalim ni Norberto Torres ay bibigyan nila ng sakit ng ulo si Black na sasandal sa lakas ng star­ters na sina Greg Slaughter, Nico Salva at Kiefer Ravena.

Ang larong ito ay magsisimula matapos ang bakbakan sa pagitan ng Tigers at Adamson Falcons sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Balak ng Tigers na ma­ka­bangon agad mula sa masakit na 51-53 pagkatalo sa La Salle upang makahulagpos sa FEU na kanilang kasalo sa ikalawang puwes­to sa 7-3 baraha.

Sina Jeric Teng, Clark Bautista, Jeric Fortuna, Karim Abdul at Aljon Maria­no ang magtutulung-tulong uli para isantabi ang inaasa­hang inspiradong laro mula sa Falcons matapos makuha ang ikalawang pa­nalo sa UP noong nakaraang Huwebes.

ADAMSON FALCONS

ALJON MARIA

ALMOND VOSOTROS

CLARK BAUTISTA

GEE ABANILLA

GREG SLAUGHTER

JERIC FORTUNA

JERON TENG

LA SALLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with