^

PSN Palaro

Mga mahihirap na kabataan sa San Juan nabiyayaan ni Rondo ng basketball court

- Joey Villar - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos magdaos ng isang basketball clinic, nagbigay naman si NBA superstar Rajon Rondo ng isang basketball court at ilang autographed balls para sa mga mahihirap na bata sa San Juan City kahapon.

Ang court ay mula sa Red Bull at tinulungang pagandahin ng Boston Celtics guard sa venue na malapit sa San Juan National High School.

Ang ilan sa kanyang mga ipinamahagi ay mga bola na ibinigay niya sa pa­mamagitan nina San Juan Mayor Guia Gomez at Vice Mayor Francis Zamora, isang dating basketball player mula sa La Salle.

Naghintay sa pagdating ni Rondo ang mga estudyanteng nag-aaral sa mga public schools at mga naglalaro sa kalye.

Nginitian naman ni Rondo at kinawayan ang kanyang mga fans.

Ibinahagi rin niya ang ilan sa kanyang mga sikreto.

“I'm a serious student of the game, I study films or game tapes not just to see it, but to look for every edge he can get against a certain player," wika ni Rondo.

Kamakalawa ay pina­bilib ni Rondo ang ilang piling grupo ng mga UAAP at NCAA high school at collegiate players sa kanyang mga kilos, kasama dito ang kanyang dribbling skills at floaters, na tampok sa Red Bull Skills Clinic sa Ronac Art Center sa San Juan City.  

BOSTON CELTICS

LA SALLE

RAJON RONDO

RED BULL

RED BULL SKILLS CLINIC

RONAC ART CENTER

SAN JUAN CITY

SAN JUAN MAYOR GUIA GOMEZ

SAN JUAN NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with