^

PSN Palaro

Pinoy chessers mainit ang simula, Libyans binokya sa Olympiad

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umiskor ng magkatulad na 4-0 panalo ang Philippine team sa men’s at women’s division ng 40th World Chess Olympiad sa Wow Convention Center sa Istanbul, Turkey.

Binigo ni super Grandmaster Wesley Go si Abobker Elarbi para buksan ang dominasyon ng mga Filipino kontra sa Libyan sa layuning mapaganda ang pinakamasama nilang 50th place finish sa Russia noong 2010.

Ang tatlo pang panalo ay nagmula kina Oliver Barbosa, Mark Paragua at Oliver Dimakiling laban kina Ahmed Al-Zayat, Hussein Asabri at Hassan Asabri sa boards two, three at four, ayon sa pagkakasunod.

Ang 35th-seeded na Phl team ay lalaban sa 23rd-ranked Moldova na binubuo nina Viktor Bologan, Dmitry Svetushkin, Sergey Vedmeduic at Iulian Baltag.

Nagtala ang Moldova ng 3.5-.5 panalo kontra sa Pakistan sa first round.

Sina So, Barbosa, Pa­ragua at Dimakiling ang muling lalaro para sa bansa, habang ipinapahinga si GM Eugene Torre, magla­laro sa kanyang rekord na pang 21 Olympiad stint na sumira sa 20 ni Hungarian GM Lajos Portisch.

Ang 4-0 tagumpay naman ng mga Pinay ay ga­ling kina Catherine Perena, Rulp Ylem Jose, Janelle Mae Frayna at Jedara Do­cena kontra kina Zenubia Wasif, Nida Mishrash Siddiqui, Ghazala Khuaja at Fatima Khuaja ng Pakistan.

ABOBKER ELARBI

AHMED AL-ZAYAT

CATHERINE PERENA

DMITRY SVETUSHKIN

EUGENE TORRE

FATIMA KHUAJA

GHAZALA KHUAJA

GRANDMASTER WESLEY GO

HASSAN ASABRI

HUSSEIN ASABRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with