^

PSN Palaro

Tiu pipirma na sa Rain or Shine

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos si No. 1 overall pick June Mar Fajardo ng Pe­tron Blaze, si No. 7 selection Chris Tiu naman ang nakatakdang pumirma ng isang maximum contract sa Rain or Shine ngayong araw.

Lalagda si Tiu, produkto ng Ateneo De Manila University at naging miyembro ng Smart Gilas Pilipinas I ni Serbian coach Rajko Toroman, sa isang three-year contract sa Elasto Painters na nagkakahalaga ng P8.5 milyon at nahahati sa P150,00 sa una niyang taon, P225,000 sa ikalawa at P337,500 sa pangatlo.

“Chris is a very smart player kahit na titingnan mong magandang lalaki siya,” sabi nina co-team owners Raymund Yu at Terry Que sa 5-foot-11 na si Tiu, isang TV host at commercial model.

Sa paglalaro ni Tiu sa Rain or Shine, isang trade pro­posal ang isinumite ng Elasto Painters sa PBA Commissioner’s Office kung saan balak nilang dalhin si Ronjay Buenafe sa Meralco kapalit ng first round pick ng Bolts sa 2014 PBA Rookie Draft.

Malaki ang naitulong ni Buenafe, ang No. 11 pick sa 2007 PBA Draft ng Coca-Cola, sa pag-angkin ng Rain or Shine sa nakaraang 2012 PBA Governors Cup, ang kanilang kauna-unahang PBA crown matapos ang anim na taon.

Kailangan pa ng basbas ni PBA Commissioner Chito Salud para tuluyan nang maplantsa ang naturang trade sa pagitan ng Elasto Painters, kinuha sina Bacon Austria at Jewel Palomique sa third at fourth round, ayon sa pag­kakasunod, at Bolts.

Samantala, wala namang balak ang Global Port, bumili sa prangkisa ng Powerade, na i-trade si 6’7 Rabeh Al-Hussaini, naging kakampi ni Tiu sa Ateneo.

“You seldom see a player that has the talent of Rabeh, so we will stick to him. He will blossom into one of the dominant big guys in the league, that’s our mission,” ani coach Glenn Capacio sa 2010 No. 2 overall pick na si Al-Hussaini na napaulat na ipinapalit kay 6’8 Japeth Aguilar ng Talk ‘N Text kasama si Francis Allera.

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BACON AUSTRIA

CHRIS TIU

COMMISSIONER CHITO SALUD

ELASTO PAINTERS

FRANCIS ALLERA

GLENN CAPACIO

GLOBAL PORT

GOVERNORS CUP

JAPETH AGUILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with