^

PSN Palaro

JRU tumabla sa SSC

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Hindi pinaiskor ng Jose Rizal University ang Mapua sa huling 5:51 sa laro upang angkinin ang 63-60 panalo sa 88th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pumukol ng tres si Michael Parala para ibigay ang 60-54 kalamangan pero ito na pala ang hu­ling hirit ng Cardinals para malaglag sa ikapitong kabiguan sa 11 laro.

Apat na sunod na puntos ang ginawa ni Ralph Monserat bago kumawala ng isang tres si Ivan Camasura para ibigay sa Heavy Bombers ang 61-60 bentahe may 2:02 sa orasan.

“Wala kaming energy na naglaro. But Ralph gave us the spark and the ener­gy when I sent him in this game. We also picked up our game sa defense in the last five minutes,” wika ni JRU mentor Vergel Meneses na tinablahan sa ikalawang puwesto ang San Sebastian sa 8-3 karta.

Si John Lopez ang na­­nguna sa koponan sa kan­yang 17 puntos, 6 rebounds at 4 assists at ang kanyang fast break layup matapos ang supalpal kay Andrew Estrella ang naglayo sa Bombers sa tatlong puntos.

Natapos ang laban ng Cardinals nang sumablay ang sana’y panablang tres ni Parala para malaglag ang tropa ni coach Chito Victolero sa 4-7 karta.

Si Parala ay may 15 puntos, 8 rebounds at 1 assist para sa Cardinals na nagtala ng 31 turnovers na nakaapekto sa resulta ng laro.

May 26 errors din ang Heavy Bombers pero sinuwerte silang gumana ang kanilang depensa sa huli.

“Nagalit ako sa kanila dahil wala kaming dapat na i-celebrate sa panalong ito. Parang nakaw lang ito dahil most of the way ay maganda ang inilaro ng Mapua. Hindi ito ang JRU team na nakita ko noon kaya dapat ay talagang magtrabaho pa kami,” dagdag ni Meneses.

Dominado ng Mapua ang rebounding, 34-27, pero mas maganda ang shooting ng JRU, 45% laban sa 40%, at may 8-5 bentahe sa steal.

Si Nat Matute ay may 10 puntos pero inilabas na siya sa huling limang minuto dahil nananakit ang nabugbog na kaliwang binti sa naunang play.

Jose Rizal 63 – Lopez 17, Matute 10, Carampil 8, Monserat 8, Mabulac 6, Almario 5, Camasura 3, Diapera 3, Dela Paz 2, Mendoza 1, Villarias 0, Munez 0, Porter 0

Mapua 60 – Parala 15, Brana 10, Nimes 9, J. Banal 7, Estrella 5, Ighalo 4, G. Banal 4, Chien 4, Stevens 2.

Quarterscores: 20-21; 33-36; 52-51; 63-60

ANDREW ESTRELLA

BUT RALPH

CHITO VICTOLERO

DELA PAZ

HEAVY BOMBERS

IVAN CAMASURA

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAPUA

MICHAEL PARALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with